Babae arestado sa pagbebenta ng marijuana sa BGC

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2017 - 10:25 AM

BGC | Inquirer File PhotoIsang babae ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City dahil sa pagbebenta ng marijuana.

Nakatanggap ng text message ang mga tauhan ng Taguig City police na nagbibigay impormasyon sa operasyon ng suspek na si Argeline Ingaram.

Isang poseur-buyer ang nagpanggap na bibili ng marijuana kay Ingaram sa parking lot ng isang bar sa BGC at doon na inaresto ang suspek.

Ayon kay Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Taguig City police, nakuha kay Ingaram ang P500 na halaga ng marijuana.

Supplier din umano ng ecstasy sa lugar ang suspek.

Katwiran naman ng suspek, inutusan lang siya ng isang kaibigan na ideliver ang package sa BGC at hindi umano niya alam na marijuana pala ang laman nito.

Nahaharap si Ingaram sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: BGC, drugs, Marijuana, BGC, drugs, Marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.