Mga kanseladong biyahe ngayong araw, Biyernes, January 13
(UPDATE) Kinansela na ang ilang biyahe ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang biyahe ng PAL express na flights 2P 2079 at 2080 Catarman-Manila-Catarman.
Ayon sa MIAA, ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Samar.
Sa hiwalay namang abiso, kanselado din ang biyahe ng Cebu Pacific na flights 5J 821 at 822 Manila-Virac-Manila.
Una nang sinabi ng PAGASA na ang mga lalawigan sa Eastern Visayas ay makararanas ng malakas na buhos ng ulan dahil sa Low Pressure Area na nasa bahagi ng Surigao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.