Naging emosyonal si outgoing US Vice President Joe Biden, matapos itong sorpresahin at bigyan ng award ni outgoing President Barack Obama sa isang seremonya sa White House.
Ginawaran ni Obama ng Presidential Medal of Freedom si Biden, ang pinakamataas na civilian honor na iginigawad sa Estados Unidos.
Halatang nasorpresa si Biden at wala itong ideya na siya ay bibigyang pagkilala.
Habang nagsasalita si Obama, naging emosyonal at naluha pa ang bise presidente.
Matapos tanggapin ang award, sinabi ni Biden na labis-labis ang nasabing pagkilala.
Sinabi ni Obama na bagaman magtatapos na ang kanilang termino, mananatili silang pamilya ni Biden.
.@POTUS awards the Presidential Medal of Freedom with Distinction to @VP: https://t.co/XK7uEUOuhq
— The White House (@WhiteHouse) January 12, 2017