2 patay makaraang manlaban umano sa mga pulis sa Caloocan

By Jong Manlapaz January 13, 2017 - 04:14 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Hindi na inabot pa ng umaga ang dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbawal na gamot matapos na manlaban umano sa mga tauhan ng Caloocan police na nagsagawa ng buy bust operation sa Pieta cor. Miracle St., Bgy. 153 Caloocan City.

Naging target ng operation ang magkaibigan na sina Arthur Ancheta, 46, at Allan Chico Alyas Loloy.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpanggap na posuer buyer ang isang pulis at nakabili ng shabu sa mga suspek.

Pero nakatunog umano ang suspek na si Ancheta na pulis ang kanyang katransaksyon, kaya agad itong bumunot ng baril at binaril ang mga otoridad.

Nakaganti ng putok ang mga pulis kaya napatakbo si Ancheta papasok ng bahay nito pero napuruhan na ito ng mga pulis na agad nito ikinamatay.

Nasa ikalawang palapag naman ang suspek na si Chico at pinaputukan din ang mga pulis pero napatay din ito ng mga otoridad.
Nakarekober ang mga pulis ng anim na sachet ng shabu, isang kalibre .38 na baril at Uzi submachine gun pistol mula sa mga suspek.

Mariing naman itinaggi ng mga kaanak ng mga suspek na nanlaban ang mga napatay, bagkus planado umano ang pamamaslang sa kanilang nga kaanak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.