Habal-habal driver, patay sa pamamaril sa Taguig

January 13, 2017 - 04:13 AM SHARE(S):

 

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos tambangan sa Mauling St., Brgy. Bagumbayan, Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang biktimang si Henry Pacaige, 45-anyos, nagtatrabaho bilang habal-habal driver.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na naghihintay lamang sa kanto ng eskinita ang biktima kasama ang dalawang kaibigan nang biglang may mga lalaking naka-motor na lumapit sa kanila.

Tinanong umano ng isa sa mga ito kung siya si Henry, at nang makumpirma, agad na pinaputukan ito.

Ayon sa asawa ng biktima na si Flordita, walang kaaway ang kanyang asawa at hindi rin umano ito sangkot sa droga.

Posible umanong napagkamalan lamang ang kanyang mister.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Taguig City Police sa nasabing insidente ng pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.