Mga kinakasuhang pulis na nasasangkot sa mga kuwestyunableng anti-drug ops, tumaas

 

Dumarami umano ang bilang ng mga pulis na kabilang sa mga anti-illegal drugs operations ang nagpapasaklolo sa PNP Legal Service.

Ayon kay Supt. Atty. Lynette Tadeo, Chief ng Legal Research & Evaluation Division ng PNP Legal Service, may 10 pulis na may ranggong PO1 hanggang SPO4 ang humihingi ng ayudang legal sa kanila.

Ito ay mula July ng nakalipas na taon nang simulan ang war on illegal drugs ng Duterte administration, hanggang December, 2016

Ayon kay Tadeo, walo sa mga ito ay nahaharap sa kasong kriminal at dalawa ay may kasong administratibo.

Lahat umano sa mga nakasuhan ay kasama sa mga anti-illegal drugs operations.

Kinasuhan ang mga ito aniya ng mga drug suspects na kanilang inaresto.

Karamihan sa kanila ay mula sa mga Regional Police Offices partikular na sa Region 2 o Cagayan Valley at Region 7 o Central Visayas

Paliwanag ni Tadeo, malaki umano ang bilang na ito kumpara sa mga nakalipas na taon, na walang intensified campaign laban sa illegal na droga.

Read more...