VP Robredo, hindi mananahimik vs Duterte admin kahit lumagpak ang ratings

By Alvin Barcelona January 13, 2017 - 04:21 AM

 

Inquirer file photo

Handa si Vice President Leni Robredo na isugal ang kanyang popularidad kaysa manahimik laban sa Duterte administration.

Sinabi ito ni Robredo matapos na iugnay ng ilan ang pagbagsak ng kanyang approval at trust rating sa pinakahuling Pulse Asia survey sa pagkontra nito sa mga posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, alam niya na napaka-popular ni Pangulong Duterte at lahat ng sabihin niya kontra dito ay posibleng may negatibong epekto sa kanya namang popularidad.

Sinabi ni Robredo na obligasyon niya na ipaalam ang kanyang saloobin sa mga isyu kahit na salungat ito sa paniniwala ng pangulo.

Para sa pangalawang pangulo, ang silbi ng survey ay para malaman kung ano ba ang ginagawa nilang tama o mali.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.