Nakarating na sa Davao City si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Sakay ng Japanese Air Force One, dumating si Abe at maybahay nito na sa Davao City International Airport dakong alas 9:45 kagabi.
Mula sa paliparan, dumiretso ang delegasyon ni Abe sa Marco Polo Hotel.
Byernes ng umaga, inaasahang sabay na mag-aalmusal ang lider ng Japan at si Pangulong Rodrigo Duterte sa mismong tahanan nito sa Doña Luisa Subdivision.
Bukod dito, inaasahang makikipag-pulong rin si Abe sa ilang mga negosyante sa Davao City bago muling lumipad pabalik ng Japan.
Huwebes ng hapon, dumating si PM Abe sa bansa na ginawaran ng state dinner ng Malacañang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.