Robredo: “Hindi binigyan ng respeto ang opisina ko”

By Alvin Barcelona January 12, 2017 - 07:53 PM

Leni Robredo
Inquirer file photo

Nawawalan na ng gana si Vice President Leni Robredo sa Duterte administration.

Inamin ito ni Robredo matapos na magpadala at bawiin ng Malacañang ang kanyang imbitasyon sa taunang Vin D’ Honneur.

Ayon kay robredo, hindi ito big deal sa kanya at ayaw na niya itong palakihin pero aminado ito na hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kanya.

Aniya kung galit sa kanya si Pangulong Duterte, binigyan pa rin sana ng kahit kaunting respeto ang kanyang opisina,
“Kasi kung galit sa akin, galit sa akin. Pero sana bigyan naman nang kaunting respeto ang opisina. Pero ang sa akin, okay naman iyon.”

Natawa din siya sa sinabing dahilan ng Malacañang sa pagbawi sa kanyang imbitasyon na wala na daw upuan para sa kanya.

Sinabi pa naman aniya nito sa kanyang staff na pupunta siya sa Vin D’ Honneur kung may imbitasyon para sa kanya.

Samantala, sinabi nito na wala na siyang magagawa sa nangyari kundi ipagpatuloy ang kanyang pagta-trabaho.

TAGS: Robredo, vin d'honneur. duterte, Robredo, vin d'honneur. duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.