Meralco may rollback sa singil sa kuryente ngayong Enero

meralcoBago ang dagdag singil sa kuryente sa Marso, may rollback ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.

Abiso ng Meralco sa kanilang consumers, bababa ng P0.27 per kilowatt hour ang electricity rate ngayong buwan.

Ang rollback ay bunsod ng mas mababang generation charge na sa tala ng kumpanya ay pinakamababa na mula October 2004.

Binanggit din na dahilan na wala pa ring adjustments sa Meralco distribution charge.

Ang rollback ay magreresulta sa P54 na bawas sa January 2017 electricity bill sa konsumong 200 kilowatt hour kada buwan; P81 sa konsumong 300 kilowatt hour; P108 sa konsumong 400 kilowatt hour at P135 sa konsumong 500 kilowatt hour.

Una nang inanunsyo ng Meralco ang dagdag singil sa Marso dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya gas plant.

Read more...