Pangilinan: Martial law malabong maulit sa bansa

By Jan Escosio January 12, 2017 - 04:15 PM

Kiko Pangilinan
Inquirer file photo

Sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na ang pag-ayaw ng tatlo sa bawat apat na Filipino sa Batas Militar ay pagpapakita lang na buhay ang kalayaan sa bansa.

Ayon pa kay Pangilinan, noon pa man pinatunayan na ng ating mga ninuno na ilalaban nila ng patayan ang kanilang kalayaan.

Dagdag nito, hindi naman madali ang demokrasya pero ito ang paraan para mabuhay ang kalayaan.

Giit nito, minsan nang naranasan sa bansa ang mawalan ng kalayaan tatlong dekada na ang nakakalipas at tiwala ito na lalabanan ng ating mga kababayan ang anumang pagtatangka na muling ipatupad ang batas militar sa bansa.

Base sa Pulse Asia survey noong Disyembre, 74-percent  ng ating mga kababayan ang nagsabi na hindi na kailangan pa ng martial law para solusyonan ang mga problema ng bansa.

TAGS: duterte, kiko pangilinan, Martial Law, duterte, kiko pangilinan, Martial Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.