Reward money ipantatapat ng mga kaanak ng Koreanong biktima ng tokhang for ransom
Nagbigay na ng patong sa ulo ang mga kaanak ng South Korean National na dinukot ng mga armadong suspek sa Angeles City sa Pampanga noong Oct 18, 2016.
Umaabot sa P100,000 pabuya ang inilaan ng pamilya ng biktimang si Jee Ick-Joo para maibalik ang nawawalang dayuhan na dinukot ng nasa pito hanggang walong suspek.
Umapela ng tulong sa publiko at sa mga otoridad ang maybahay ng biktimang na si Choi Kyung-Jin para maibalik na ang kanyang mister.
Ayon sa asawa ng biktima, P8 Million ang orihinal na demand ng mga suspek hanggang sa nagkatawaran at nakapagbigay sila ng P5 Million noong October 3, 2016.
Nabigo anyang magpakita ng proof of life ang mga suspek at sa halip ay humingi pa ng karagdagang P4.5 Million na hindi naman na naibigay ng kaanak ng biktima.
Itinanggi ng abogado ng biktima na sangkot ito sa iligal na droga at sa katunayan sa anya itong dating mataas na opisyal ng kumpanyng Hanjin.
Nakapagsampa na ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang PNP laban sa tatlong suspek kabilang dito ang sinasabing police official at dalawang iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.