Petron, itinanggi na ang ‘ash pond’ sa Limay, Bataan ang dahilan ng pagkakasakit ng ilang informal settlers

Ash pond Bataan
INQUIRER FILE PHOTO

Iginiit ng Petron Corporation na walang kinalaman ang sinasabing ash pond na matatagpuan sa Limay, Bataan sa pagkakasakit ng ilang informal settlers.

Ayon sa Petron Corporation, hindi coal ash ang sinasabing ash pond, kundi isang limestone powder na by-product ng kanilang oil refining operations na matagal nang nag-ooperate sa naturang lugar.

Mismong ang Bataan provincial health office ang nagsabi na ang skin diseases ng mga residente ay hindi idinulot ng nasabing limestone powder.

Ang naturang skin disease aniya ay scabies o galis aso na galing sa garapata.

Sinabi din ng Petron na sinertipika na ng Department of Natural Resources ang limestone powder na ‘non-hazardous’ at walang maidudulot na masama sa kalusugan ng tao.

Sa kabila nito, tinutulungan ng Petron Corporation ang mga nasabing informal settlers sa pamamagitan ng pagtatayo ng health facility na nagbibigay ng libreng konsulta at gamot sa mga residente bago pa man lumutang ang nasabing isyu.

Read more...