Unang araw ng plunder trial ni dating Sen. Bong Revilla, naudlot
Nakansela ang unang araw ng paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong plunder ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.
Ito’y dahil humingi pa ng panahon ang prosekusyon upang amyendahan ang kanilang pre-trial brief.
Kailangan ang pre-trial brief para makapag-isyu ang korte ng pre-trial order na gagamitin sa proseso ng paglilitis.
Muli naman itinakda ng Sandiganbayan 1st division ang plunder trial laban kay Revilla sa February 9, 2017.
June 2014 pa naisampa ng Office of the Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan.
Sa hearing kanina, hiniling ng abogado ni Revilla na si Atty. Estelito Mendoza na limitahan sa isang beses lamang kada ataw ang trial, sa halip na dalawang beses maghapon.
Subalit katwiran ni Justice Efren dela Cruz, ang dalawang beses na pagdinig kada araw ay may layong mapabilis ang trial proper.
Humirit din si Mendoza na bawasan ang ihaharap na mga testigo ng prosekusyon.
Pero sagot ng prosekusyon, nalimitahan na nga sa 119 ang mga saksi dahil sa katunayan ay 300 dapat ang kanilang testigo.
Ang plunder case ni Revilla ay nag-ugat sa umano’y pagtanggap nito ng kickbacks na nagkakahalaga ng 224 million pesos matapos ilan ang pork barrel nito sa NGO ni Janet Lim Napoles.
Matapos naman ang hearing, agad bumalik si Revilla sa Campo Crame kung saan siya naka-bilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.