AFP, nagpadala na ng 500 na sundalo sa Davao para sa preparasyon sa ASEAN Summit

By Ruel Perez January 12, 2017 - 10:51 AM

Asean laos
INQUIRER FILE PHOTO

Nagpadala na ang Armed Forces of the Philippines ng dagdag na tropa ng sundalo sa Davao City bilang paghahanda sa seguridad para sa gaganaping ASEAN Summit sa bansa.

Sa linggo, January 15 ang launching ng ASEAN Summit bagaman sa Nobyembre pa ang main event.

Ayon kay AFP-PAO Chief Col. Edgard Arevalo, magsisilbing augmentation force ng Task Force Haribon ng Philippine National Police sa Davao ang ipinadala nilang inisyal na 500 na sundalo mula sa Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Airforce na silang magpapalakas nang seguridad sa lungsod.

Lumipad patungong Davao ang mga sundalo na kinabibilangan ng K9 units at EOD teams.

Ayon pa kay Arevalo, maaari pang dagdagan ang naunang 500 na sundalo depende sa pagtantiya ng Task Force Haribon.

TAGS: ASEAN Summit 2017, ASEAN Summit 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.