Pagtataas ng kontribusyon ng SSS members, hindi mali at ilegal ayon sa ahensya

By Ricky Brozas January 12, 2017 - 10:33 AM

SOCIAL SECURITY / JANUARY 14, 2016 A elderly man with his companions walk pass an SSS sign in Manila on Thursday, January 14, 2016.  President Aquino vetoes on Thursday the SSS pension hike bill. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Pinabulaanan ng Social Security System (SSS) ang naging pahayag ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon na ang pagtataas ng kontribusyon ng SSS ay mali at ilegal.

Sinabi ni Social Security Commission Chairman Dean Amado Valdez na ang P1,000 dagdag pensyon na ipatutupad ngayong Enero 2017 ay popondohan ng kasalukuyang kontribusyon at kita sa investments.

Ang dagdag sa kontribusyon na ipatutupad ngayong Mayo ay gagamitin para palakihin ang Investment Reserve Fund, magkaroon ng mas malaking kita mula sa investments at palakasin ang buhay ng pondo ng SSS para sa mga obligasyon nito sa hinaharap.

Binigyang diin ni Dean Valdez na ang mandato ng SSS ay itaguyod ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas magandang benepisyo para sa mga miyembro kapag sila ay magreretiro na.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.