Palasyo, tahimik sa naging pulong ni Duterte sa mga alkalde ng iba’t ibang mga lungsod at bayan sa bansa
Tikom ang bibig ni Communications Sec. Martin Andanar sa naging pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayor sa bansa.
Ito ay sa kabila ng mga lumutang na pahayag na minura at binantaan ng pangulo ang alkalde na sangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, tanging sinabi lang ni Andanar na isang closed door meeting ang naganap sa Malacañang sa pagitan ng pangulo at ng mga mayor.
Nais aniya ni Duterte na makausap ang mga alkalde ng sila sila lang at ng masinsinan.
“It was a closed door meeting and the president wants to talk to the mayors na sila sila lang. He wanted to talk to them in a very intimate manner.” pahayg ni Andanar.
Binanggit pa ni Andanar hindi siya nasabihan kung ano ang pag-usapan sa nasabing pulong pero ”highly confidential” at ”government matter” aniya ito.
“I was not informed kung ano yung pag-uusapan. It was highly confidential, government matter. Nung pagdating ko dun, nalaman ko nalang kung ano yung napag-usapan because hindi naman natin alam kung ano yung pinaka agenda.” dagdag pa ni Andanar.
Pero sinabi din ni Andanar na pinalalakas lamang nito ang mensahe at polisiya ni Pangulong Duterte sa iligal na droga at ang pagsugpo dito ay ang priority policy ng kasalukuyang administrasyon.
“It was a heart to heart talk between the president and the mayors. It was amplifying the message of the president and the policy on the illegal drugs. Alam naman natin na this is the priority policy of the president.” sinabi din ni Andanar.
Sa paglaban aniya sa kriminalidad sa bansa, kinakailangan ang suporta ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, local government executives at ng publiko.
Sa kabila nito, tiniyak ni Andanar na maglalabas sila ng official statement ukol sa naganap na pagpupulong sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.