Aircraft carrier ng China, pumasok na sa Taiwan Strait

January 12, 2017 - 05:19 AM

china aircraft carrierLalong lumalakas ang tensyon sa pagitan ng China at ng Taiwan, matapos pasukin ng aircraft carrier ng China na Liaoning ang Taiwan Strait.

Bagaman hindi pa tuluyang nakakapasok sa katubigan ng Taiwan ang Liaoning, nakapasok naman na ito sa lugar na nasasakop na ng air defense zone nito.

Ayon sa defense ministry ng Taiwan, mahigpit nilang minomonitor ang buong sitwasyon, at na nakahanda silang kumilos nang naaayon sa kung anuman ang mangyayari.

Sa kabila ng pag-igting ng tensyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan, hinihimok naman ng Taiwan ang kanilang mga mamamayan na manatiling kalmado at na huwag mag-alala.

Nangyari ang sitwasyong ito matapos bumisita ni Taiwan President Tsai Ing-wen sa Estados Unidos nitong nagdaang weekend sa kabila ng mga protesta ng Beijing.

Bagaman walang official relations na namamagitan sa Taiwan at Amerika, ito ang kanilang pinakamakapangyarihang kaalyado at pangunahing supplier ng mga armas.

Sinimulan ng Liaoning ang kauna-unahan nitong exercise sa Pacific mula pa noong nakaraang buwan kasama ang iba pang warships ng China, at dumaan na rin ang mga ito sa Taiwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.