Mga squatter areas sa Maynila, hindi itatago sa mga Miss Universe candidates
Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi sila magsasagawa ng malaking beautification drive upang itago ang tunay na mga pangyayari at mukha ng kahirapan sa Kamaynilaan para sa nalalapit na pagdaraos ng Miss Universe pageant sa katapusan ng buwan.
Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, wala silang balak gawin ang mga ginagawa noon na pagtatakip sa mga slum areas sa Maynila sa pamamagitan ng mga pansamantalang matataas na pader o billboards sa tuwing may international events.
Aniya, ito ang realidad at walang dapat ikahiya sa pagpapakita ng tunay na kalagayan ng Metro Manila sa mata ng global community.
Ipagpapatuloy lang aniya nila ang regular nilang paglilinis habang papalapit ang coronation night na gaganapin sa January 30.
Noong 2012 kasi, isang billboard ang itinayo para hindi mapansin ng mga international delegates ng isang anti-poverty summit ang slum community malapit sa paliparan sa Parañaque City.
Gayundin ang ginawa nang magtayo naman ng pader sa parehong ruta nang dumating si Pope Francis noong January 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.