Bangkay ng nawalang biktima ng bagyo sa Oriental Mindoro, natagpuan na

By Kabie Aenlle January 12, 2017 - 03:29 AM

 

socorro oriental mindoroNakitang palutang-lutang sa may pampang ng ilog sa bayan ng Socorro sa Oriental Mindoro ang katawan ng isa sa mga nasawi sa lalawigan dahil sa bagyong “Nina,” matapos matangay ng agos ng tubig sa ilog.

Ayon kay Barangay chairman Ricardo Diona, natapguan ng kanilang residenteng si Johny Doncancel ang bangkay umaga ng Miyerkules sa Sitio Duongan sa Brgy. Lapog.

Kalaunan ay napag-alaman na ito ang bangkay ni Michael Merjan Hugno, na nalunod umano sa Subaan River, kasama ang kaniyang kapatid na si Zaldy, nang tumama ang bagyong Nina sa kanilang lugar noong December 26.

Tinatangka umano ng magkapatid na kunin ang mga lumulutang na troso sa ilog, ngunit nang subukan ni Michael na lumangoy pabalik sa pampang, naanod siya nang malakas na agos ng tubig.

Agad tumalon sa ilog ang kaniyang kapatid na si Zaldy upang siya ay sagipin, pero kasama na rin siyang natangay ng agos ng tubig.

Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang naaagnas nang bangkay ni Zaldy na palutang-lutang sa Naujan Lake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.