Kaibigan ni Lacson, biktima rin ng ‘Tokhang for ransom’

 

Inquirer file photo

Isa pang kaso ng ‘Tokhang for ransom’ ang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson kung saan ang biktima umano ay isa pa niyang kaibigan.

Ayon kay Lacson, isa niyang Filipino-Chinese na kaibigan ang nabiktima ng mga scalawag cops na humihingi ng ransom kapalit ng pagpapalaya dito noong Agosto.

Sangkot umano sa naturang insidente ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Central Luzon.

Dinampot umano ng mga ito ang biktima dahil sa sangkot umano ito sa iligal na droga na istoryang gawa-gawa lamang ng mga pulis.

Pinalaya lamang aniya ang biktima matapos magbayad ng ransom sa mga scalawag cops.

Dahil dito, agad siyang magpapatawag ng senate inquiry upang imbestigahan ang naturang insidente partikular ang kaso ng pagkidnap sa isang negosyanteng South Korean na unang iniulat ng Inquirer.

Read more...