Kabayan PL group, humingi ng tawad dahil sa iresponsableng pahayag ni Rep. Roque

By Kabie Aenlle January 12, 2017 - 02:31 AM

 

harry-roqueItinakwil ng Kabayan Party-list ang anila’y iresponsableng pahayag na binitiwan ng kanilang kinatawan sa Kamara na si Rep. Harry Roque laban sa Office of the Ombudsman.

Sa isa kasing panayam, inakusahan ni Roque na mayroon umanong nagaganap na suhulan sa isa sa mga prosecuting arms ng Office of the Ombudsman.

Dahil dito, nagpadala ng liham sa Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman ang nagpakilalang secretary-general ng grupo na si Joshua Sebastian, at humingi ng paumanhin sa ngalan ng mga miyembro ng Kabayan Party-list.

Sa nasabing liham na nakapangalan kay Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit at may petsang January 6, iginiit ni Sebastian na hindi sinasalamin ng pahayag ni Roque ang mga pananaw at saloobin ng kanilang mga miyembro.

Ayon pa dito, pagpapaliwanagin nila si Roque kaugnay sa nangyaring insidente, at na hindi nila sinusuportahan ang ganitong gawain na layon lang magpapansin sa media.

Una nang naglabas ng pahayag si Sulit na itinatanggi ang sinabi ni Roque, at hinamon pa nito ang mambabatas na pangalanan ang sinasabi niyang mga prosecutors.

Ngunit binanatan rin ni Roque si Sebastian at iginiit na hindi pa ito opisyal na naihahalal bilang secretary-general.

Iginiit rin ng mambabatas na wala siyang dapat ihingi ng tawad sa kaniyang pagnanais na baguhin ang sistema ng criminal justice sa bansa.

Matatandaang naglunsad rin ng imbestigasyon ang Kabayan laban kay Roque dahil sa mga umano’y “sexually-charged” na mga tanong nito sa dating driver at karelasyon ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan nang humarap ito sa Kamara.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.