20 katao na-trap sa roller coaster sa Australia

By Kabie Aenlle January 12, 2017 - 04:26 AM

 

roller coaster australiaDalawampung katao ang na-trap sa tuktok ng isang roller coaster ride sa isang them park sa Gold Coast sa Australia.

Nangyari ang insidente ilang buwan lamang matapos ang aksidente sa kalapit na theme park kung saan nasawi ang apat na tao.

Nabitin ang mga na-trap sa Arkham Asylum Coaster ride.

Karamihan sa mga nakasakay sa ride ay nakuha agad ng rescue team ngunit nahirapan na silang kunin ang iba gamit ang ladder platform.

Sa kabila naman ng insidenteng ito, wala namang naitalang nasugatan sa mga na-trap.

Ang nasabing insidente sa Warner Brothers Movie World Park na pag-aari ng Village Roadshow, ay nangyari ilang buwan lang matapos ang insidente sa Dreamworld theme park na pag-aari ng Ardent Leisure Group noong October 2016.

Apat na katao ang nasawi sa river rapids ride sa Dreamworld, dahilan para mapasama ito sa mga world’s deadliest theme park accidents.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.