5 diplomats ng UAE, patay sa pambobomba sa Afghanistan
Kinumpirma ng United Arab Emirates (UAE) na lima sa kanilang mga diplomats ang nasawi sa pagpapasabog sa Kandahar, Afghanistan noong Martes.
Mariing kinondena ni UAE prime minister at vice president Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, na ruler rin ng Dubai, ang nasabing pambobomba.
Sa kaniyang pahayag sa Twitter, iginiit niya na walang “human, moral or religious justification” sa pambobomba at pagpatay sa mga taong tumutulong sa iba.
Una nang sinabi ng mga opisyal sa Afghanistan na lima nga ang nasawi sa nasabing pagsabog habang 12 naman ang nasugatan.
Kabilang sa mga sugatan sina Kandahar Gov. Homayun Azizia, pati na si UAE Ambassador Juma Mohammed Abdullah al-Kaabi.
Naglabas naman ang Taliban ng pahayag at sinabing hindi sila ang nagplanta ng pampasabog, at isinisi nila ang pag-atake sa isang “internal local rivalry.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.