Mga Pinoy tutol sa Martial Law ayon sa Pulse Asia Survey

PA1Mayorya pa rin ng mga Pinoy ang hindi pabor sa pagpapatupad ng Martial Law para resolbahin ang ilang ilang problema na kinakaharap ng bansa.

Sa pinakahuling nationawide survey na ginawa ng Pulse Asia noong December 6 hanggang 11 ay tinanong nila ang 1,200 respondents kaugnay sa implmentasyon ng Batas Militar sa bansa.

Umaabot sa 74-percent ng mga tinanong ang nagsabing hindi sila pabor sa Martial Law, 12-percent naman ang pabor dito samantalang 14-percent ang undecided.

Ang mga respondents na may edad 18-anyos pataas ay tinanong ng “Pakisabi lamang kung kayo ay (payag o hindi) sa bawat isa sa mga pangungusap na ito. Sa totoo lang, maaaring kailangan ngayon na magkaroon ng batas militar o martial law para malutas ang maraming krisis ng bansa.

Ginawa ang nasabing survey sa mga panahon kung kailan inilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos at umalis bilang miyembro ng gabinete si Vice President Leni Robredo.

Ipinakikita sa mga sumusunod na graph ang buong resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia.

 

Read more...