VP Robredo hindi pinadalo ng Malacañang sa New Year’s Vin D’ Honneur
Binawi ng Malacañang ang imbitasyon kay Vice President Leni Robredo na dumalo sa New Year Vin D’ Honneur ngayong araw.
Sinabi ito ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo kasunod ng hindi pagdalo nito sa taunang okasyon kasama ang mga miyembro ng diplomatic corps.
Ayon kay Hernandez, nakatanggap sila ng imbitasyon sa pamamagitan ng email noong December 28, 2016 para sa tradisyunal na Vin D’ Honneur sa pagbubukas ng taon.
Gayunman, noong January 4, 2017 ay tumawag aniya ang Office of the President para bawiin ang nasabing imbitasyon.
Sinabi ni Hernandez na idinahilan ng Malacañang sa pagbawi ang limitadong guest list para sa naturang event.
Bukod sa mga miyembro ng diplomatic corps ay karaniwang imbitado sa Vin D’ Honneur ang pangalawang pangulo, Chief Justice at ang mga pinuno ng Senado at Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.