Mga buto ng tao, natagpuan sa isang abandonadong bahay sa Quiapo, Maynila

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Natagpuan sa isang abandonadong bahay sa Islamic Center, Palanca St., Quiapo, Maynila ang mga buto ng tao.

Ayon kay Police Sr. Insp. Fernildo De Castro, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), natagpuan ang mga kalansay sa magkakahiwalay na palapag sa loob ng bahay.

Napansin umano ng mga residente ang hindi magandang amoy mula sa loob ng bahay dahilan para ireport nila ito sa barangay.

At nang suriin ng mga tauhan ng barangay ay doon na nanatuklasan ang mga kalansay.

Sasailalim sa pagsusuri ng Forensic Division ng PNP Crime Laboratory sa Camp Crame ang mga buto.

Kailangan ayon kay de Castro na ma-preserve ang height at DNA ng mga kalansay.

Sinabi naman ni Barangay 648 Chairman Sultan Yusof Guinto na nasa limang tao ang inilibing sa lugar ilang taon na ang nakararaan.

Ang mga ito aniya ay base sa kaniyang nakuhang mga impormasyon na may mga tulak ng droga na hindi nakabayad sa kanilang supplier sa loob ng Islamic Center.

Taong 2015 pa aniya abandonado ang nasabing bahay.

 

Read more...