Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang climate justice, environmental at health groups kaugnay sa coal plant sa Limay, Bataan sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources.
Ayon sa kay National Coordinator Ian rivera ng Philippine Movement for Climate Justice, 500 pamilya ng Barangay Lamao ang apektado ng pagpapatuloy ng operasyon ng Petron Coal Plant ng San Miguel Corporations.
Giit naman ni Derek Cabe, coordinator ng Nuclear Free Bataan Movement, hindi lang dapat kita ng negosyo ang dapat initindihin na umaabot sa pagsasakripisyo ng kalusugan ng komunidad.
Kung kaya’r Nananawagan aniya ang grupo kina DENR Secretary Gina Lopez at Ramon Ang ng San Miguel Corporations na itigil na ang apat na taong produksyon nito.
Kung wala pa ring gawing hakbang ang ahensiya, sinabi ni Rivera na idadaan na ng grupo ang apela sa korte.