Dagdag-singil sa kuryente sa Marso, posibleng umabot sa mahigit piso kada kilowatt hour
Nakaambang tumaas ang presyo ng kuryente sa Marso dulot ng maintenance shutdown ng Malamapaya gas facility.
Maaaring umabot hanggang P1.44 per kilowatt hour (kWh) ang dagdag-presyo.
Katumbas nito ang P288 na dagdag bayarin sa mga consumer ng Meralco na ang konsumo kada buwan ay umaabot sa 200 kWh.
Sisimulan ang maintenance shutdown sa katapos ng January, at inaasahang magtatagal hanggang sa February 18.
Sa kabila nito, siniguro naman ng Department of Energy na hindi magkakaroon ng kakulangan ng kuryente sa kasagsagan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.