Mga kanseladong flight ngayong araw, Jan. 11, dahil sa masamang panahon

Kinansela na ang dalawang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport patungong Legazpi Albay dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang flights 5J 321 at 322 Manila-Legazpi-Manila ng Cebu Pacific.

Ito ay dahil sa nararanasang pag-ulan sa Legazpi City.

Inabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund.

 

Read more...