Biyahe ng MRT, maagang nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2017 - 06:38 AM

Maagang nakaranas ng problema ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa abiso ng MRT, alas 4:37 ng umaga nang magkaroon ng problema ang kanilang signaling system sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue station southbound.

Makalipas naman ang sampung minuto ay naiayos agad ang problema at naibalik sa normal ang operasyon.

Hindi naman ito gaanong nagdulot ng abala sa mga pasahero, dahil kabubukas lamang ng MRT nang maganap ang aberya, at iilan pa lamang ang mga pasaherong sumasakay.

Kagabi, nagkaroon din ng problema ang MRT at nagpababa ng mga pasahero sa bahagi ng Boni Avenue station northbound alas 10:27 ng gabi.

 

 

TAGS: MRT, MRT problem, signaling system, MRT, MRT problem, signaling system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.