Matapos malunod ang dalawang binatilyo, paliligo sa Bakas River sa Bulacan, ipagbabawal na

By Kabie Aenlle January 11, 2017 - 04:26 AM

 

norzagarayIpinagbabawal na ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray, Bulacan ang pagtatampisaw o paliligo sa Bakas River sa nasabing bayan, matapos malunod doon ang dalawang estudyante ng Bulacan State Universtity noong January 7.

Ayon kay Mayor Ade Cristobal, walang sapat na pondo ang kanilang lokal na pamahalaan para mag-arkila pa ng life guards na magbabantay sa pitong-kilometrong haba ng Angat River System sa kanilang bayan kung saan nagsasanga ang Bakas River.

Ayon pa kay Cristobal, pinakiusapan niya ang konseho ng kanilang bayan na bumuo at mag-pasa ng ordinansang magbabawal sa paliligo sa ilog sa kasagsagan ng panahon ng tag-ulan.

Narekober na ang mga bangkay nina Jaycie Ronwill Balitaosan, 19-anyos, at Jericho Burgos, 17-anyos noong Lunes.

Natangay sila ng agos ng Bakas River kung saan kukuha sana sila ng mga footages para sa ginagawa nilang documentary film.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.