29 na SAF Commando na nakaligtas sa Mamasapano incident, promoted

 

Inquirer file photo

Aprubado na ng National Police Commission o Napolcom ang Special Meritorious Promotion ng dalawampu’t siyam na SAF Commandos na nakaligtas sa Mamasapano incident.

Ayon kay Napolcom Vice Chairman Eduardo Escueta, hindi naman pagdududahan ang ipinakitang katapangan ng mga SAF Commandos.

Ang isang ranggong promosyon ng mga nakaligtas na SAF troopers ay inirekomenda ni Retired PNP Officer-in Charge Leonardo Espina.

Nabatid na ang mga mabibigyan ng promosyon ay kasama sa grupong nagsilbi ng warrants of arrest kina Zulkifli Bin Hir alias Marwan at Basit Usman sa Barangay Tukanalipao noong nakaraang Enero 25.

Bagaman napatay si Marwan, apatnapu’t apat na SAF Commandos naman ang nalagas at sila ay kilala ngayon bilang Gallant 44./ Jan Escosio

 

Read more...