Binawi ng Department of Trade and Industry ang Import Clearance Certificate (ICC) sa 20,000 metriko tonelada ng bakal na mula sa China.
Kasabay nito, nakatakdang sampahan ng mga kasong administratibo,kriminal at sibil ang Manage Resources Trade Corp., (MRTC) ang importer ng bakal na dumating sa Subic, Zambales kamakailan.
Ayon sa DTI, nadiskubre ng kanilang mga inspector na walang ‘tags’ ang mahigit sa 50 porsiyento ng mga bakal kaya’t mahihirapan na malaman kung ang mga ito ay galing talaga sa idineklarang manufacturer sa China.
Bukod dito, tumanggi din MRTC sa hinihiling ng kagawaran na joint inspection sa mga bakal.
Giit ng DTI, nais lang nilang makatiyak na ang lahat ng mga imported na produktong bakal ay sumusunod sa Philippine National Standards, Product Certification at Consumer Act of the Phils., para sa kaligtasan ng mga konsyumer sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.