Sa ipinalabas na pahayag ng pamantasan sinabi dito na hindi din nila kinukusinti ang anumang uri ng karahasan kasama na ang hazing.
Ang pahayag na ito ng LPU ay bunsod sa mga ulat na isa nilang tourism student ang ginagamot ngayon sa isang ospital sa Makati matapos sumailalim sa hazing o initiation rite ng isang sorority noong nakaraang araw ng Linggo.
Kasabay nito, nag-aalok din ang LPU sa biktima ng anumang tulong medikal at legal maging psychological counselling sa biktima.
Nananawagan din sila ng dasal para sa agarang paggaling ng estudyanteng biktima.
Matatandaang nitong nakalipas na araw, isang 18-anyos na estudyante ng LPU ang nadala sa ospital matapos umanong magtamo ng matinding mga pasa at paso matapos sumalang sa hazing ng isang sorority sa LPU.
January 7 umano naganap ang hazing sa isang abandonadong bahay sa Las Piñas.
PInalo umano ng paddle ang biktima hanggang mabalot ito ng pasa sa kanyang mga hita.
Bukod dito, pinaso pa umano ng kandila ang biktima at hinampas pa ng sinturon sa iba’t-ibang bahagi ng katawan hanggang sa mawalan ito ng malay.