Banta sa Duterte administration seryoso ayon sa NSA
Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na hindi kasama sa cabinet agenda ang tungkol sa #Lenileaks pero hindi ito nangangahulugan na binabalewala ito ng pamahalaan.
Ipinaliwanag ng opisyal na marami pang may mas importanteng mga bagay ang kanilang tinalakay sa kauna-unahang cabinet meeting kahapon na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Esperon na noon pa man ay may ilang grupo na ang nasa likod ng mga plano para pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na solid ang suporta ng mga miyembro ng gabinete para kay Duterte.
Gagawin umano nila ang alam nilang tama para ipagtanggol ang kasalukuyang pamahalaan kaugnay sa mga plano na idiskaril ang Duterte administration.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na hawak na nila ang ilang mga impormasyon na magpapatunay na talagang may balak ang ilang grupo laban sa pangulo.
Nauna dito ay nalantad ang isang Yahoo chat group ng ilang mga indibiduwal na nagsasabing nasa likod ng oust Duterte plot.
Nasangkot din sa nasabing chat group ang social media unit ng Office of the Vice President na lalong nagpainit sa usapin kaugnay sa pagkakasangkot ni Vice President Leni Robredo sa nasabing plano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.