Sulu niyanig ng 7.2 magnitude na lindol

By Alvin Barcelona, Den Macaranas January 10, 2017 - 03:01 PM

sulu2Niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang bahagi ng Celebes Sea malapit sa boundary ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.

Sa paunang report ng Philvocs, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 190 kilometers Timog-Silangan sa bayan ng Tongkil sa lalawigan ng Sulu na may lalim na 612 kilometers kaninang 2:13 ng hapon oras sa Pilipinas.

Itinaas naman ng U.S Geological Survey (USGS) ang lakas ng lindol sa 7.3 magnitude habang hindi naman sila nagpalabas ng tsunamin alert advisory.

Naramdaman rin ang pagyanig sa ilang mga lugar tulad ng Zamboanga City at General Santos City.

Dahil sa lakas ng lindol ay nagbabala ang Philvocs sa posibilidad ng mga malalakas na aftershocks.

Ang bayan ng Tongkil ay isang 4th class municipality sa Katimugang bahagi ng Sulu.

Antabayanan ang mga dagdag na detalye sa Radyo Inquirer 990AM.

TAGS: celebes sea, lindol, Philvocs, Sulu, tongkil, celebes sea, lindol, Philvocs, Sulu, tongkil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.