Dating Pangulong Arroyo, dumalaw sa burol ng kanyang kapatid; VP Binay, nakiramay din

August 11, 2015 - 08:24 PM

Dumating sa Heritage Park sa Taguig si Dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang makiramay sa pagpanaw ng kanyang nakatatandang kapatid na si Arturo D. Macapagal.

Suot ang isang neckbrace, nakasalubong pa ni CGMA si Vice President Jejomar Binay na dumalaw din at nakiramay sa pamilya Macapagal.

Dumating din sa Heritage Park ang mister ni CGMA na si dating First Gentleman Mike Arroyo at kanilang anak na si Luli.

Sa panayam naman ng Radyo Inquirer kay Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nitong nakiramay din sa pamilya Macapagal sina Congressman Martin Romualdez, Peping Cojuangco, at Dating PCSO Chairman Manoling Morato.

Si Macapagal ay pumanaw sa Makati Medical Center (MMC) kaninang 6:40 ng umaga dahil sa stage four prostate cancer.

Bago pumanaw ang kanyang kapatid, humiling pa si Arroyo na madalaw nito ang kanyang kuya sa pagamutan kahapon.

Kabilang rin  sa mga nakiramay ang maybahay ni detained Sen. Bong Revilla na si Lani Mercado at ex-Candaba Mayor Gerry Pelayo./ Jong Manlapaz

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.