Nakataas na rainfall warning sa Sorsogon, ibinaba na ng PAGASA sa orange level
Mula sa red rainfall warning, ibinaba na ng PAGASA sa orange level na lamang ang umiiral na rainfall warning sa Sorsogon.
Sa abiso ng PAGASA kaninang alas 11:00 ng umaga, sakop din ng orange rainfall warning ang lalawigan ng Northern Samar at Albay.
Pinapayuhan ang mga residente na maging mapagbantay sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Sa mga susunod na oras ay muling magpapalabas ng abiso ang PAGASA.
Ayon sa PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na dating Tropical Depression Auring ang naghahatid ng pag-ulan sa nasabing mga lalawigan.
Bagaman nasa Mindana ang LPA, at ito ay huling namataan sa 225 kilometers west ng Dipolog City sa Zamboanga Del Norte, sinabi ng PAGASA na maghahatid pa rin ito ng pag-ulan sa Palawan, Bicol Region at Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.