Masaker sa Zamboanga City; 8 tripulante ng fishing vessel, pinatay ng mga pirata

By Erwin Aguilon January 10, 2017 - 10:50 AM

Zamboanga CityWalo ang kumpirmadong patay matapos i-masaker ng mga pirata ang mga tripulante ng isang fishing vessel sa karagatang sakop ng Zamboanga City.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Coast Guard Spokesperson Commander Armdand Balilo, nilusob ng mga pirata ang FB NR o Hulbot-hulbot habang ito ay naglalayag sa bisinidad ng Siromon Island, 11 Island Group, Zamboanga City.

Sinabi ni Balilo na bukod sa walong patay, lima pa ang nawawala at dalawa ang nakaligtas na nakilalang sina Nomar Sakandal at Ervin Banaan.

Nabatid na tumalon mula sa sasakyang pangisda ang limang nawawala na siyang subject ngayon ng search and rescue operation ng coast guard.

Nasa pangangalaga na naman ng pulisya ang dalawang nakaligtas.

 

TAGS: 11 island, fishing boat', massacre in zamboanga city, 11 island, fishing boat', massacre in zamboanga city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.