Kinansela ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong graft laban kay dating Philippine National Police o PNP Chief Alan Purisima at labing anim na kapwa akusado nito.
Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang kontrata ng gun licence delivery na pinasok ng PNP sa Werfast.
Dumating si Purisima sa anti-graft court kaninang umaga para sa pre-trial.
Pero dahil sa bigong matapos ang marking of exhibits, itinakda na lamang ng Sandiganbayan sa April 18, 2017 ang pre-trial.
Ito’y para mabigyan na rin ang magkabilang panig ng mas mahabang panahon upang markahan ang mga ebidensya sa naturang kaso.
Matatandaan na sa reklamong isinampa ng Office of the Ombudsman, kwestiyonable raw ang kontrata ng PNP sa Werfast para sa mandatory courier service ng mga lisensya ng baril, noong pinuno ng pambansang pulisya si Purisima.
Hindi umano dumaan sa public bidding ang Werfast bukod pa sa hindi rehistrado ito nang ibigay ang kontrata noong May 2011.