Residential Area sa Navotas City, tinupok ng apoy
Itinaas na sa Task Force Charlie ang sunog na nagaganap sa isang residential area sa Market 3 sa Barangay North Bay Boulevard North sa Navotas City.
Halos ubos na ang mga kabahayan sa Market 3 bunsod ng mabilis na pagkalat ng apoy.
Nagsimula ang sunog alas 4:02 ng umaga at alas 4:49 ng umaga nang iakyat sa Task Force Charlie ang alarma nito.
Pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Alas 6:25 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog, at pasado alas 7:00 ng umaga nang ideklara itong fire out.
Tinatayang aabot sa 750 na pamilya ang nawalan ng tirahan.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng pagsiklab ng apoy.
WATCH: Mga residenteng nasunugan sa Brgy NBBN, Navotas City | @AngellicJordan pic.twitter.com/zBmlAiTdiO
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 9, 2017
WATCH: Mga residenteng nasunugan sa Brgy NBBN, Navotas City | @AngellicJordan pic.twitter.com/OFWw4CfUho
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 9, 2017
WATCH: Mga nasunugang residente sa Market 3, Brgy. NBBN, Navotas City | JUN CORONA – DZIQ pic.twitter.com/nWur60siUV
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 9, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.