Website ng NUJP, na-hack

 

Screengrab/NUJP

Pinasok ng mga hackers ang website ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Lunes ng gabi.

Dahil sa naturang insidente, hindi na mabuksan ang website at maging and website administrator nito ay hindi na rin ma-access ang account.

Ayon kay Ryan Rosauro, Chairman ng NUJP, kanilang napansin ang hacking dakong alas 8:00 kagabi.

Sa statement, sinabi rin ni Rosauro na sinuman ang may kagagawan ng hacking ay kalaban ng press freedom at freedom of expression.

Sa kabila ng hacking incident, nanindigan ang grupo na hindi sila titigil sa kanilang adbokasiya na isulong ang freedom of expression sa bansa.

Ang NUJP ay samahan ng nasa 1,500 mamamahayag na naninindigan sa karapatan ng freedom of expression at press.

Read more...