MTRCB, nasa proseso na ng pagbabago-Villareal

January 09, 2017 - 10:51 PM

 

Inquirer file photo

Nasa proseso na ng pagbabago ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ayon kay Chairman Eugenio “Toto” Villareal.

Ito ay kaugnay sa sinabi ni bagong board member Mocha Uson na magdadala siya ng pagbabago sa naturang ahensiya.

Sa programang MTRCB Uncut sa Radyo Inquirer, sinabi ni Villareal na nasa proseso ng pagbabago ang ahensiya kasabay ng maraming bagay tulad ng demokrasya, at sa industriya ng telebisyon at pelikulang Pilipino.

Paliwanag nito, kailangan lang aniya ng pagkakaisa at palitan ng pananaw para sa magandang serbisyo sa mga manonood.

Samantala, ayon sa kanyang pagkakaalam ay nanumpa na si Uson ngayong araw kung saan pangalawa aniya ito sa tatlong prosesong dapat pagdaanan ng bagong talagang opisyal.

Lagi din aniyang bukas ang ahensya bilang isang malaking pamilya na nagnanais para sa kabutihan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.