Duterte nagbabala na mas marami pang drug personalities ang mamamatay
Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga bigtime shabu dealer at mayor na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga ay walang lugar sa kanyang administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong government appointees, ipinagtanggol ni Duterte ang kanyang anti-drug campaign na sinisisi sa pagkamatay ng mahigit anim na libong katao kung saan dalawang libo dito ay sa mga police operation.
Giit ni Duterte, hangga’t siya ang pangulo ng bansa, lahat ng malalaking shabu dealers ay mamamatay.
Maging ang mga mayor na sangkot sa illegal drug trade ay matutulad sa magiging kapalaran ng mga shabu dealer.
Sinabi pa ng pangulo na mismong siya ang papatay sa mga alkalde na mapapatunayang sangkot sa iligal na droga.
Nagbanta din si Pangulong Duterte sa mga alkalde na kabilang sa kanyang narco-list na tatanggalan niya ng kapangyarihan laban sa mga pulis at aalisin din ang kani-kanilang security details.
Lumalabas aniya na kapag talamak ang shabu sa isang bayan ay nagpapakita ito na hindi ginagawa ng alkalde dito ang kanyang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.