MPD: Usad ng Traslacion mas mabilis ngayong taon

Nazarene5
Inquirer photo

Pasado alas-syete ng gabi ay nasa kahabaan na ng Hidalgo Street sa Quaipo, Maynila ang andas ng Itim na Nazareno.

Sa pagtaya ng Manila Police District Office ay bumaba sa 1.2 Million ang bilang ng mga deboto na nagsisiksikan at kasama sa prusisyon sa mga oras na ito.

Pero nanatili namang makapal ang bilang ng mga tao sa paligid ng Quiapo Church kabilang na sa loob ng simbahan.

Hanggang sa mga oras na ito ay putol ang supply ng mga cellular networks sa paligid ng Quiapo bilang bahagi ng paghihigpit sa seguridad.

Sa monitoring ng MPD, karaniwang mga minor injuries lamang ang tinamon ng mga isinusugod sa iba’t ibang mga first aid station.

Bukod sa mga tauhan ng PNP ay kapuna-puna rin ang maraming tauhan ng Aremd Forces of the Philippines sa ruta ng prusisyon.

Inaasahan naman na bago maghating-gabi mamaya ay nakabalik na sa Quiapo Church ang Black Nazarene. /

Read more...