Mahigit 100 na deboto ng Itim na Nazareno, dinala sa mga 1st aid station ng Red Cross

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2017 - 12:09 PM

Red Cross Photo
Red Cross Photo

Umabot na sa 108 na mga pasyente ang dinala at nalapatan ng lunas sa first aid station ng Philippine Red Cross.

Ayon sa abiso ng Red Cross, pinakamaraming naisugod na deboto sa kanilang Liwasang Bonifacio station.

Karamihan sa mga nabigyan ng atensyong medical ay mga deboto na tumaas ang blood pressure, nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng ngipin, sugat, stiff neck, pasa at iba pa.

Apat naman ang inirekomendang madala sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan, hypertension at nagtamo ng bali sa katawan.

Ayon sa Red Cross, wala pa naman silang naitatalang deboto na nagtamo ng major injuries sa kanilang mga itinayong 1st aid station.

 

 

TAGS: Black Nazarene, Nazarene2017, Quiapo Manila, red cross, Black Nazarene, Nazarene2017, Quiapo Manila, red cross

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.