Sa update ng PAGASA, alas 10:30 ng umaga, naging isang LPA na lamang ang bagyo kaya inalis na ang public storm warning signal number 1 na itinaas sa mga lugar na naapektuhan nito.
Ang LPA ay huling namataan sa 40 kilometers East ng Mactan City, Cebu.
Kahapon tatlong beses nagkaroon ng landfall ang bagyo, ang una ay sa Siargao, Surigao del Norte alas 3:00 ng hapon; ikalawa sa Dinagat Province, alas 4:00 ng hapon at ang ikatlo ay sa Paraon Island, Southern Leyte alas 6:00 ng gabi.
Habang kaninang madaling araw, naganap ang ikaapat na landfall nito sa bahagi ng Ubay, Bohol.
Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na ang nasabing LPA ay makapaghahatid pa rin ng moderate hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region at sa mga lalawigan sa Samar.
Ang mga residente sa dalawang nabanggit na lugar ay inalerto hinggil sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides dahil sa malakas na pag-ulan.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa CALABARZON at sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at Romblon.