Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa apat na lugar dahil sa bagyong Auring
Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa mga lalawigang apektado ng bagyong Auring.
Sa abiso ng PAGASA, alas 10:25 ng umaga, yellow rainfall warning ang umiiral sa Siargao Island, Dinagat Island, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Ito ay dahil sa malakas at patuloy na buhos ng ulan na nararanasan sa nasabing mga lugar bunsod ng bagyong Auring.
Inalerto naman ng PAGASA ang mga residente sa apat na lugar hinggil sa posibleng pagkakaroon ng flashflood at landslide.
Mamayang ala 1:00 ng hapon muling maglalabas ng rainfall warning ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.