Panawagan ng isang mambabatas, Medical Cannabis Bill,isabatas na agad

August 11, 2015 - 05:12 PM

Legalizing-Marijuana-e1408701622243Nanawagan si Ang NARs PL Rep. Leah Paquiz sa liderato ng Kamara na isama sa mga ipapasang panukalang batas ang House Bill 4477 o Medical Cannabis Bill.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Paquiz na “personal” ang kanyang pagsusulong sa panukala.

Kuwento ni Paquiz, nasawi ang kanyang anak noong August 2014, pero hindi niya nabanggit kung ano ang eksaktong karamdaman o sanhi ng pagkamatay nito.

Nahirapan aniya siya na matulungan ang kanyang anak at isa sa mga naging problema noon ay ang paghahanap ng ‘morphine patch’ para magamit sana nito.

Naniniwala si Paquiz na sa pamamagitan ng Medical Cannabis Bill, hindi lamang ito maglalatag ng polisiyang pangkalusugan kundi magbibigay pag-asa sa mga pasyenteng may mabigat na kundisyong medikal.

Nauna nang sinabi ng may-akda ng panukala na si Isabela Rep. Rodito Albano na malaki ang magiging pakinabang nito sa bansa at maipo-promote pa ang medical tourism sa Pilipinas, magiging source ng dagdag revenue ng gobyerno at makakatulong para makalikha ng mga bagong trabaho./ Isa Avendaño-Umali 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.